Mga bakuna ngayon kontra COVID-19, malamang na magkabisa pa rin laban sa Omicron variant ayon sa WHO

This photograph taken on December 2, 2021, shows a syringe and a screen displaying the SARS-Cov-2 mains variants : Alpha, Beta, Delta, Gamma and Omicron, in Toulouse. AFP / Lionel BONAVENTURE

Inihayag ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO), na hindi lumalabas na ang Omicron ay magdudulot ng mas malalang karamdaman kumpara sa mga naunang Covid variants at mas malamang na hindi nito maiwasan ang proteksiyong dulot ng mga bakuna.

Ayon kay WHO emergencies director at second-in-command Michael Ryan, habang marami pa ang dapat matutunan tungkol sa bagong variant, may indikasyon sa paunang datos na ang Omicron na lubhang maraming mutation ay hindi magiging sanhi para magkaroon ng malubhang Covid ang isang tao kumpara sa Delta at iba pang strains.

Aniya . . . “The preliminary data doesn’t indicate that this is more severe. In fact, if anything, the direction is towards less severity. It’s very early days, we have to be very careful how we interpret that signal. There was no sign that Omicron could fully sidestep protections provided by existing Covid vaccines.”

Sinabi pa ng 56-anyos na epidemiologist at dating trauma surgeon na . . . “We have highly effective vaccines that have proved effective against all the variants so far, in terms of severe disease and hospitalisation. There’s no reason to expect that it wouldn’t be so. The vaccine at least is holding up in protection terms.”

Aminado si Ryan na posibleng ang mga umiiral na bakuna ay maaaring hindi gaanong epektibo laban sa Omicron, na mayroong higit sa 30 mutasyon sa spike protein na nasa ibabaw ng coronavirus na siyang sumasalakay sa mga selula.

Subali’t sinabi niya na malaki ang kalamangan na hindi nito matatakasan ang ibibigay na proyeksiyon ng mga bakuna.

Aniya . . . “It was “highly unlikely” it would be able to evade vaccine protections altogether. We have to confirm if there’s any lapse in that protection, but I would expect to see some protection there. The preliminary data from South Africa wouldn’t indicate that we will have a catastrophic loss of efficacy. In fact, the opposite at the moment.”

Sinabi pa ni Ryan na sa laban kontra lahat ng Covid variants, ang pinakamabisa pa rin nating sandata ngayon ay ang pagpapabakuna.

Dalawang linggo matapos itong matukoy, ang Omicron ay na-detect sa dose-dosenang mga bansa sa buong mundo.

Ipinahihiwatig ng mga paunang data mula sa South Africa, na ang bagong variant ay mas malamang na higit na nakahahawa kaysa mga naunang variant na hindi na aniya nakapagtataka.

Aniya . . . “When any new variant emerges, it will tend to be more transmissible, because it’s got to compete with previous variants. One could expect Omicron to gradually replace Delta as the dominant strain.”

May mga indikasyon din na ang Omicron ay mas humahawa o dumadapo sa mga taong nabakunahan o nagkaroon na ng Covid.

Ani Ryan . . . “There is some evidence to suggest that reinfection with Omicron is more common than it was with previous waves or previous variants. But we’re particularly interested in seeing not whether you can be reinfected with Omicron, but whether any new infection is more or less severe.”

Sinabi niya na, dahil ang kasalukuyang mga bakuna sa Covid ay naglalayong maiwasan ang malubhang sakit, ngunit hindi nagbibigay ng proteksiyon sa sipleng pagkahawa lang sa virus, ang muling impeksyon (reinfections) na may banayad o walang sintomas ay hindi gaanong nakakabahala.

Dagdag pa ni Ryan, sa kabila ng mga mutasyon nito, ang bagong variant ay Covid pa rin, at dapat labanan sa pamamagitan ng parehong mga hakbang, gaya ng bakuna, pagsusuot ng mask at physical distancing.

Ayon kay Ryan . . . “The virus hasn’t changed its nature. It may have changed in terms of its efficiency, but it hasn’t changed the game entirely. The rules of the game are still the same.” (AFP)

Please follow and like us: