Mga balota na naglalaman ng mga COC’s, ER’s at mga makina na ginamit ng NBOC sa canvassing ng nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ipinababalik na sa Comelec
Inatasan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang secretariat na ibalik na sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC ang mga balota na naglalaman ng mga certificate of Canvass o COC at election returns kasama ang Consolidation and Canvassing System machines na ginamit ng National Board of Canvassers o NBOC sa canvassing ng nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa kaugnay ng ginanap na eleksyon noong May 9, 2022.
Ginawa ang kautusan nina House Speaker Lord Alan Velasco at Senate President Vicente Sotto III bago nag-adjourn ang joint public session ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagpatibay ng proclamation resolution para sa nanalong Presidente at Bise Presidente.
Kahapon ay pormal ng tinapos ng NBOC ang kanilang canvassing at iprinoklamang nanalong Pangulo si President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Vice President Elect Sara Duterte Carpio.
Sa parehong statement sinabi nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez kapuwa tumayong Chairpersons ng Joint Canvassing Committee na sa kasaysayan ng canvassing ng resulta ng Presidential at Vice Presidential elections sa bansa maituturing na ang kanilang ginawa ang pinakamabils na canvassing.
Tumagal lamang ng dalawang araw ang canvassing ng NBOC at agad na naiproklama sina BBM at Sara.
Vic Somintac