Mga bansa, hinimok ng WHO na ibunyag ang nalalaman sa pinagmulan ng COVID-19
Hinimok ng WHO ang lahat ng mga bansa na ibunyag ang kanilang nalalaman sa pinagmulan ng Covid-19.
Sinabi ni FBI director Christopher Wray, “The US Federal Bureau of Investigation had now assessed the source of Covid-19 pandemic was most likely a potential lab incident in Wuhan.”
Matatandaan na ang unang mga impeksyon ng bagong coronavirus ay naitala sa huling bahagi ng 2019 sa Wuhan city, na kinaroroonan din ng isang virus research laboratory.
Galit namang itinanggi ng Chinese officials ang sinabi ng FBI, kung saan tinawag nila iyong isang “smear campaign” laban sa Beijing.
Sinabi ni World Health Organization director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, “If any country has information about the origins of the pandemic, it’s essential for that information to be shared with WHO and the international scientific community. Not so as to apportion blame but to advance our understanding of how this pandemic started so we can prevent, prepare for and respond to future epidemics and pandemics. WHO has not abandoned any plans to identify the origins of the Covid-19 pandemic.”
Noong 2021, ay itinayo ng health agency ng UN ang Scientific Advisory Group for the Origins of Novel Pathogens (SAGO), upang tingnan ang pinagmulan ng pandemya.
Ayon pa kay Tedros, “WHO continues to call for China to be transparent in sharing data and to conduct the necessary investigations and share the results,” at idinagdag na sumulat na siya at nakipag-usap sa top Chinese leaders sa maraming pagkakataon. “Until then, all hypotheses on the origins of the virus remain on the table.”
Ngunit ang “politicization” aniya ng mga pinagmulan ng pananaliksik ay nagpapahirap sa siyentipikong gawain na nagresulta upang ang mundo ay hindi gaanong maging ligtas.
Ang mga komento mula kay FBI chief Wray, ay ginawa pagkatapos ng isang ulat noong unang bahagi ng linggong ito kung saan sinabi ng US Department of Energy, na natukoy nang ang Chinese lab leak ang pinakamalamang na sanhi ng pagsiklab ng Covid-19.
Ang departamento ay nagtatrabaho kasama ng isang network ng national laboratories, kabilang yaong mga sangkot sa advanced biological research. Naniniwala naman ang ibang mga ahensya sa loob ng US intelligence community, na natural na lumitaw ang virus.
Sinabi ni Maria Van Kerkhove, Covid-19 technical lead, na nakipag-ugnayan na ang WHO sa US mission sa Geneva para sa dagdag pang mga impormasyon.
Gayunman, sa ngayon aniya ay wala silang access sa data na pinagbabasehan ng US reports were based.
Ayon kay Van Kerkhove, na isang infectious disease epidemiologist, It remains vital that that information is shared”, to help move the scientific studies forward.”
Sabi pa ni Tedros, “There was a moral imperative to find out how the pandemic started, for the sake of the millions who lost their lives to Covid-19 and those living with long Covid.”
Higit sa 6.8 million Covid-19 deaths at higit sa 758 million confirmed cases, ang naiulat sa WHO, na naniniwalang ang tunay na bilang ay higit pang mas mataas.
© Agence France-Presse