Mga bansa sa Amazon, naglunsad ng alyansa upang labanan ang deforestation
Walong bansa sa Timog Amerika ang sumang-ayon na maglunsad ng isang alyansa upang labanan ang deforestation sa Amazon, kung saan sa isang summit sa Brazil ay nanumpa ang mga ito na pipigilan na dumating sa puntong “hindi na maaari pang isalba” ang pinakamalawak na rainforest sa mundo.
Pinagtibay ng mahigpit na binabantayang summit ng Amazon Cooperation Treaty Organization (ACTO) ang tinatawag ng host country na Brazil na “bago at ambisyosong agenda” upang iligtas ang rainforest, isang mahalagang hakbang laban sa pagbabago ng klima na ayon sa babala ng mga eksperto ay itinutulak na sa bingit ng pagkawasak.
Ang mga miyembro ng grupo na kinabibilangan ng Bolivia, Brazil, Colombia, Ecuador, Guyana, Peru, Suriname at Venezuela, ay lumagda sa magkasanib na deklarasyon sa Belem, sa bukana ng Amazon River, na naglatag ng halos 10,000-word roadmap upang isulong ang sustainable development, wakasan ang deforestation at labanan ang organisadong krimen na nagpapalala nito.
Photo by AFP
Ngunit ang summit ay napahinto ng napakatapang na demand ng environmentalists at Indigenous groups, kabilang dito ang tanggapin ng lahat ng mga miyembrong bansa ang ginawang pangako ng Brazil na wakasan na ang illegal deforestation pagdating ng 2030 at pangako ng Colombia na itigil ang mga bagong oil exploration.
Sinabi ni Marcio Astrini, pinuno ng Brazil-based Climate Observatory coalition, “It’s a first step, but there isn’t a concrete decision, just a list of promises. The planet is melting, temperature records are being broken every day… it is not possible for eight Amazonian leaders to fail to put in a declaration in bold letters that deforestation must be zero.”
Sa kaniyang opening speech sa dalawang araw na summit ay binigyang diin ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva, “The severe worsening of the climate crisis required action ‘in unison.’ It has never been so urgent.”
Photo by AFP
Samantala, nanawagan naman si Colombian President Gustavo Petro para sa isang napakalaking programa upang kanselahin ang utang ng mga umuunlad na bansa, kapalit ng aksyon upang protektahan ang klima, kung saan ini-ugnay niya ang ideya sa post-World War II “Marshall Plan.”
Aniya, “If we’re on the verge of extinction and this is the decade when the big decisions have to be made… then what are we doing, besides giving speeches?”
Sa paghahangad na i-pressure ang nagkakatipong heads of state, daan-daang mga environmentalist, aktibista at mga Indigenous demostrator ang nagmartsa patungo sa conference venue sa Belem, na humihingi ng isang matapang na aksyon.
Ito ang unang summit sa nakalipas na labing-apat na taon para sa eight-nation group, na itinatag noong 1995 ng South American countries na may bahagi sa Amazon basin.
Tahanan ng tinatayang 10 porsiyento ng biodiversity ng Mundo, 50 milyong tao at daan-daang bilyong puno, ang malawak na Amazon ay isang mahalagang carbon sink, na nagpapababa sa global warming.
Ngunit nagbabala ang mga siyentipiko na ang pagkasira ng rainforest ay mapanganib na nagtutulak dito papalapit sa isang tipping point, kung saan ang mga puno ay mangamamatay at maglalabas ng carbon sa halip na sumipsip nito, na may malaking epekto naman sa klima.
Lumilitaw na hati ang regional leaders sa ilang mga isyu.
Nais ni Petro ng Colombia na sumunod ang mga bansa sa kaniyang “pledge” na ipagbawal ang lahat ng bagong oil exploration, na isang maselang paksa para sa ilang miyembro kabilang ang Brazil, na ang kumpanya ng langis na pinamamahalaan ng estado ay kontrobersyal na naglalayong tuklasin ang mga bagong offshore block sa bukana ng Amazon River .
Ayon kay Petro, “Achieving zero deforestation isn’t even enough to absorb all our carbon emissions. The solution is to stop burning coal, oil and gas.”
Photo by AFP
Ang naturang summit ay tila isang dress rehearsal para sa 2025 UN climate talks, na ang Belem ang host.
Sina Lula, Petro, Bolivian President Luis Arce at Dina Boluarte ng Peru ay pawang nagsidalo.
Hindi naman nakarating si Venezuelan President Nicolas Maduro, dahil sa ear infection, kayat ang ipinadala niya ay si Vice President Delcy Rodriguez, habang ang Ecuador, Guyana at Suriname ay kinatawan ng matataas na opisyal.
Hinimok ni Arce ang mayayamang mga bansa na tulungang pondohan ang mga pagsisikap na protektahan ang Amazon.
Aniya, “All the responsibility for the climate crisis and its consequences shouldn’t fall on our shoulders and our economies. We’re not the ones who created the crisis.”
Hinimok naman ng Indigenous groups ang South American leaders na gumawa ng isang matatag na hakbang.
Sinabi ni Nemo Guiquita, pinuno ng Ecuadoran Indigenous confederation na CONFENIAE, “Our struggle isn’t just for Indigenous peoples. It’s for the entire world, so future generations can survive on this planet.”