Mga batang nawala ng 25-araw sa Amazon, natagpuan na
Natagpuan na ang dalawang Brazilian Indigenous boys edad pito at siyam, matapos mawala ng 25 araw sa Amazon rainforest, kung saan sinabi ng mga opisyal na nabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng pagkain ng prutas at pag-inom ng tubig ulan.
Ang magkapatid na Glauco, 7, at Gleison, 9, ay natagpuan Martes ng nakalipas na linggo, 35 kilometro (22 milya) mula sa lugar kung saan sila nawala, maayos naman ang lagay maliban sa sila ay gutom at uhaw.
Ayon kay Januario Carneiro da Cunha Neto, isang indigenous health official sa northern city ng Manaus . . . “They are suffering from malnutrition and severe dehydration, but they are gaining weight, with no risk to their lives.”
Ang dalawa na mula sa Indigenous Mura group, ay nawala noong February 18, nang umalis sila sa kanilang village na nasa rural county ng Manicore sa Amazonas state at pumasok sa masukal na rainforest para manghuli ng mga ibon.
Ani Carneiro . . . “They survived on rainwater, lake water and sorva, a local fruit rich in carbohydrates and fats”
Sinabi pa niya, na sumuko na ang mga awtoridad sa paghahanap sa dalawang bata, nguni’t patuloy silang hinanap ng lokal na mga residente, hanggang sa isang araw ay hindi inaasahang matagpuan sila ng isang kaibigan ng kanilang pamilya na nangunguha ng kahoy.
Ayon pa kay Caneiro . . . “The older boy had carried the younger one on his back when he grew too weak to walk. The boys were taken Thursday to a hospital in Manaus and were being treated for some cuts and infections, but fortunately avoided any run-ins with snakes or other wildlife.”