Mga bayani ng Marawi siege binigyang pugay ng Malakanyang sa unang anibersaryo ng liberation of Marawi

 

Pinapurihan ng Malakanyang ang mga sundalo at pulis na nakipaglaban sa Maute-Isis group sa Marawi city.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi matatawaran ang sakripisyo at kabayanihan ng mga sunadalo at pulis para mapalaya ang Islamic city sa kamay ng mga terorista isang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Panelo ang liberation ng Marawi city ay patunay lamang na hindi mananaig ang karahasan sa kapayapaan.

Inihayag ni Panelo nananatili ang commitment ng Duterte administration na ibangon ang Marawi city mula sa abo ng digmaan.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *