Mga benepisyaryo ng 4Ps sa Zamboanga del Norte, tumulong sa brigada eskuwela
Sinimulan na ng Piñan Central Elementary School ang kanilang brigada eskwela para sa darating na pasukan.
Tumulong maging ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na mga taga Barangay Poblacion North, sa Piñan, Zamboanga del Norte.
Pinangunahan ito ng kanilang Municipal Link na si Miss Jeanelyn Cinco, isang Registered Social Worker ng DSWD.
Ang pagtulong sa brigada eskwela ay isa sa mga aktibidad na ginagawa ng 4Ps beneficiaries taon-taon, upang makatulong sa paaralan at maging aktibong mamamayan sa lipunan.
Hindi man face-to-face ang sistema ng pag – aaral ngayon dahil sa pandemya, ay ginagawa pa rin ang brigada eskwela upang mapanatiling malinis at kaaya- aya ang kapaligiran ng nasabing pampublikong paaralan.
April Love Catubig