Mga biktima ng Hurricane sa Mexico, naghahanap na ng makakain
Inubos na ng mga residente ng Acapulco, Mexico na sinalanta ng hurricane, ang laman ng mga supermarket at umapela ng tulong sa gobyerno habang naghahanap ng pagkain at tubig.
Sinabi ng 57-anyos na si Amparo Ponce, “we’re all going out to look for food,” habang binabatanyan ang grocery items na nakita niya mula sa isang tindahan na niransak na ng ibang tao, matapos manalasa ng Hurricane Otis na ikinasawi ng hindi bababa sa 27. Umapela rin siya ng tulong sa mga awtoridad.
Ang iba naman ay tumakbo pa sa loob ng supermarket sa pag-asang may makita pang maiuuwi, bagama’t halos lahat ng shelves ay wala nang lamang pagkain.
Sinabi ng isang babae, na binuksan na ng staff ang niransak na supermarket at hinayaang makapasok ang mga tao upang kumuha ng kanilang kailangan, ngunit huli na ang lahat para sa ilang residente.
Ayon kay Guillerma Morales, “We can’t find food. All the stores are already looted.” Ito rin ang napaulat na mga kaganapan sa buong Acapulco.
Many supermarket shelves were bare as residents looked for food and water / RODRIGO OROPEZA / AFP
Bagama’t marami sa mga residenteng lumabas ay naghahanap ng pagkain at tubig, may ilan din na ang kinuha ay alcohol, telebisyon at iba pang electrical goods.
May mga taong makikita sa mga kalsada na may bitbit na toilet paper, mga itlog at tinapay.
“It’s a survival instinct,” sabi ng isang lalaking may dalang harina para sa paggawa ng tradisyunal na tortillas.
Mahigit 24-oras matapos maglandfall ng Hurricane Otis bilang isang Category 5 storm, malaking bahagi ng Acapulco ang wala pa ring kuryente at paputol-putol ang signal ng cellphone.
Ayon sa 48-anyos na si Arturo Aviles, na nagmamay-ari ng isang maliit na fruit na vegetable store, “We need support from the government or from someone because the truth is that it’s very bad. They have not come to support us yet. We’re in a difficult, complicated situation. Many people are hungry.”
Nangako si Pangulong Andres Manuel Lopez Obrador na magkakaloob ng mga kakailanganin upang tulungan ang Acapulco.
Sinabi ng gobyerno na inactivate na nito ang isang emergency plan upang magdala ng essential supplies gaya ng pagkain at tubig.
Nakasaad sa pahayag ng gobyerno, na ang militar ay namamahagi na ng 100,000 food packages at 800,000 litro ng tubig, habang marami pang suplay ang parating na rin.
Hurricane Otis caused major damage as it came ashore as a scale-topping Category 5 storm / RODRIGO OROPEZA / AFP
Una nang naantala ang relief efforts dahil sa road blockages at kakulangan ng komunikasyon.
Samantala, gumamit na ang mga manggagawa ng excavators upang linisin ang putik sa mga kalsada at alisin ang mga puno.
Bahagya ring sinira ng bagyo ang maraming mga gusali, kung saan nag-iwan ito ng malalaking butas sa dingding ng high-rise towers.
Nang bisitahin ng 63-anyos na si Jose David Mendoza ang kaniyang beachside restaurant na binaha, sinabi nito, “It’s total chaos. It’s indescribable. I’ve never seen something like this in my life, so destroyed, without water, electricity. The beach is a garbage dump.”
Aniya, “Chairs, tables and advertisements littered the floor. It will take time to recover. All Acapulcans are dismayed by what happened. We need immediate help.”