Mga biktima ng pinakamalalang plane crash, ipinagluksa ng Nepal
Nagsagawa ng isang araw na pagluluksa ang Nepal para sa mga biktima ng pinakagrabeng aviation disaster sa tatlong dekada, na kumpirmadong ikinasawi ng 67 katao.
Sinabi ng pulisya, na ang Yeti Airlines ATR 72 na may lulang 72 katao, ay bumagsak sa isang matarik na bangin, nagkapira-piraso at nagliyab habang papalapit ito sa gitnang lungsod ng Pokhara nitong Linggo.
Gumamit ang mga sundalo ng mga lubid at stretchers upang makuha ang mga bangkay, mula sa 300-metro o 1,000-talampakang lalim ng bangin.
Ayon kay police officer AK Chhetri, “We have so far sent 63 bodies to the hospital. Due to fog, the search has been paused. We will continue the search after one or two hours when the weather clears.”
Nagkalat ang debris mula sa twin-engine turboprop airliner sa lugar ng pinagbagsakan nito, kabilang ang putol-putol na mga pakpak nito at mga upuan ng pasahero.
Agad na sumugod sa crash site ang rescue workers, makaraang bumagsak ng eroplano, at sinubukang apulahin ang apoy na nagbubuga ng makapal na itim na usok sa kalangitan.
Sinabi ng tagapagsalita ng Yeti na si Sudarshan Bartaula, na mayroong 15 dayuhang lulan ang eroplano, kabilang ang limang Indians, apat na Russians, dalawang South Koreans, at tig-isa mula sa Argentina, Australia, France at Ireland. Ang nalalabing iba pa ay pawang Nepalis.
Ayon naman kay Australian Prime Minister Anthony Albanese, “Incredibly sad news out of Nepal of a plane crashing with many passengers on board,” at idinagdag na inaalam nito ang impormasyon tungkol sa Australian national na sakay din ng eroplano.
Ang ATR 72 ay nasa isang flight mula sa kabisera ng Kathmandu at bumagsak sa bangin sa pagitan ng bagong international airport ng Pokhara at ng lumang domestic airport bago mag-11 ng umaga (0515 GMT) nitong Linggo.
Kuwento ng 44-anyos na dating sundalong si Arun Tamu na nakasaksi sa pangyayari, “I was walking when I heard a loud blast, like a bomb went of. A few of us rushed to see if we can rescue anybody. I saw at least two women were breathing. The fire was getting very intense and it made it difficult for us to approach closer.”
Hindi naman malinaw kung may mga nasaktan sa ground.
Sa pahayag ng ATR, ang France-based manufacturer ng eroplano, “Our first thoughts are with all the individuals affected by this. ATR specialists are fully engaged to support both the investigation and the customer.”
Ang air industry ng Nepal ay umunlad sa mga nakalipas na taon, kung saan nagdadala ito ng mga kalakal at tao sa pagitan ng mga lugar na mahirap maabot, pati na rin ang pagdadala ng mga dayuhang umaakyat sa bundok.
Ngunit nabatbat ito ng ‘poor safety’ issues dahil sa kakulangan ng training at maintenance. Ipinagbawal pa nga ng European Union ang paglipad ng lahat ng Nepali carrier sa kanilang himpapawid dahil sa ‘safety concerns.’
Ang Nepal ay mayroon din ng ilan sa ‘world’s most remote and trickiest’ runways, na nasa gilid ng mga taluktok na natatakpan ng niyebe na nagsisilbing hamon kahit sa mga mahuhusay na piloto.
Maging ang panahon sa Nepal ay kilalang pabago-bago at mahirap tayahin, partikular sa mga bundok, kung saan maaaring biglaang matakpan ng makapal na hamog ang kabuuan ng isang bundok sanhi para hindi ito makita.
Ang “deadliest aviation accident” sa Nepal ay noong 1992, nang mamatay ang lahat ng 167 kataong lulan ng isang Pakistan International Airlines jet, nang bumagsak ito habang paparating sa Kathmandu.
© Agence France-Presse