Mga biyahe ni Pangulong Duterte sa ibang bansa, malaking tulong sa ekonomiya – Sec. Andanar

Naging mabunga ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang makapangyarihang bansa .

Sa panayam ng programang Feedback , sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bagman maraming biyaheng nagawa , ang Pangulo rin naman ang may pinakamalaking investments na nakuha mula sa kanyang mga foreign trip.

Sinabi ni Andanar na wala pang isang taon ay pumalo na sa tatlumpu’t limang bilyong dolyar na investments na naiuwi ng Pangulo.

Aniya malaki ring tulong sa bansa ang maraming mahahalagang kasunduan na nagawa ng Pilipinas sa Japan, Russia at tatlong bansa sa Middle East – ang Saudi Arabi, Bahrain at Qatar.

“Ang mahalaga po sa biyahe ng Pangulo ang balik po dahil sa kada pisong ginagasta ng gobyerno isang libo po ang bumabalik. At tsaka ang hindi pa natin nabibilang dyan yung hindi naivaluate ay yung nagawang relasyon ng pilipinas dun sa biyahe na iyon”. – Andanar

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *