Mga biyaherong papasok sa bansa, obligadong sumailalim sa 14-days strict Quarantine
Obligadong sumailalim sa 14-days Quarantine ang lahat ng biyaherong papasok sa Pilipinas kahit pa nabakunahan na kontra Covid-19.
Ito ang nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong Quarantine protocol para sa mga inbound travelers.
Sa ilalim ng IATF Resolution, 10 araw na Quarantine sa isang pasilidad ang ipatutupad sa lahat ng mga biyahero at matapos nito ay sasailalim naman sila sa Home Quarantine sa loob ng apat na araw.
Kailangan ding magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan upang matiyak na nasusunod ang Home Quarantine.
Maliban dito, obligado ring sumalang sa RT-PCR test ang isang biyahero sa ika-pitong araw nito sa bansa.