Mga brgy. workers target din sa housing program ng PBBM admin
Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang maisakatuparan ang hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program.
Nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at DILG Secretary Benhur Abalos ang Memorandum of Understanding (MOU) para palakasin ang kooperasyon ng dalawang ahensya .
Kabilang sa mga mahahalagang probisyon ng MOU ay ang pagpaplano ng pagtatayo ng mga housing units para sa mga indigent barangay workers at informal settler families (ISF) sa ilalim ng “Pambansang Pabahay.”
Ang pabahay ay pangunahing para sa mga barangay tanod, day care teachers, response team workers, at ang mga empleyadong regular man o contractual, at indigent barangay workers and informal settler families (isf) bilang mga buyer-beneficiaries.” sabi ni Acuzar.
Layunin ng kasunduan ng DHSUD at DILG na bigyan ng affordable housing units ang mga qualified na barangay tanod, day care teachers, response team workers at iba pang kwalipikadong empleyado, maging ito ay permanent, contractual o casual, at isf.
Ayon kay Acuzar, ang DILG ang magtataguyod sa mapalakas ang pagpapatupad ng “pambansang pabahay” sa mga komunidad – na mahalaga sa tagumpay ng flagship housing program.
Tugon naman ni Abalos, magbibigay sila ng tulong sa pagtitiyak na naihahanda ang mga LGU workers sa pagkilala ng mga benepisyaryo ng kasunduan, at mag-aallocate ng mga lupain para sa programa.
Genycil