Mga buwayang nakawala nang bumaha sa China, nahuli nang lahat

AFP

Nahuli nang lahat ang dose-dosenang mga buwaya na nakawala, isang linggo makaraang bumaha sa China.

Mahigit sa 70 buwaya ang nakatakas mula sa isang commercial crocodile farm sa southern Chinese city ng Maoming, nang bumaha sa lugar bunsod ng isang malakas na bagyo.

Dahil dito ay naglunsad ang mga awtoridad sa Guangdong Province ng malawakang search operation.

Ayon sa report ng state broadcaster na CCTV, “The escaped Siamese crocodiles have all been caught, with the last one being hauled to shore on the night of September 18.”

Kabilang sa mga nakatakas ang 69 na fully grown crocodiles at dalawang juveniles.

Ang mga buwaya ay pinararami sa China dahil sa kanilang balat at karne, na minsan ay ginagamit din sa traditional medicine.

Ang lugar na naapektuhan ng baha ay tahanan din ng isang “crocodile theme park” na ayon sa China National Radio ay ang “pinakamalaking crocodile breeding base” sa bansa.

Ang mga bahagi ng Guangdong province, kabilang ang lungsod ng Shenzhen, ay dumanas ng pinakamalakas na mga pag-ulan na hindi pa nangyari simula noong 1952.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *