Mga Canadian dumagsa sa food banks sanhi ng pagtaas sa presyo ng grocery items
Sinabi ng chief executive ng Daily Bread Food Bank sa Toronto, na daang libo ang pumipila sa kanila bawat buwan, habang patuloy ang pagtaas ng inflation na sumasakal sa grocery budgets ng mga Canadian.
Ayon kay Neil Hetherington, “We are absolutely in a food crisis in this country and certainly in the city of Toronto.”
Nakita ng kaniyang organisasyon na ang bilang ng mga tao na gumagamit sa kanilang serbisyo ay dumoble noong panahon ng Covid-19 pandemic na ang average ay 120,000 kada buwan, at patuloy na tumaas hanggang sa 270,000 noong Marso.
Sa mga newcomer sa 128 food banks sa buong Toronto area na affiliated sa Daily Bread, marami ang may full-time jobs ngunit tila hindi pa rin mapagkasya ang kinikita. Ito ang sinabi ni Hetherington habang inaayos ng volunteers ang mga donasyon sa kanilang depot sa isang suburb sa Toronto.
Bagama’t ang pangkalahatang inflation ay bumaba sa 4.3 percent noong Marso mula sa peak nito na 8.1 percent noong Hunyo, ang food inflation ay namalaging sobrang taas na humigit-kumulang 10 percent “year over year.”
Binanggit ni Hetherington na ang accommodations — kapwa sa paupahan at ipinagbibiling bahay — ay hindi na rin maabot ng maraming Canadian matapos tumalon ang real estate prices noong nakaraang taon, na dumagdag pa sa isipin ng mga gastusin sa buhay.
Ayon sa report ng real estate firm na Urbanation, ang average cost ng isang studio apartment sa pinakamalaking siyudad sa Canada ay 2,124 Canadian dollars (US$1,568) kada buwan, tumaas ng nasa 380 Canadian dollars mula sa nakalipas na taon.
Sinabi ni Paula Alerte, na higit tatlong dekada nang nagpapatakbo sa asosasyon at nasa 10 taon na ang nakalipas mula nang simulan ang food bank, “Demand has been increasing every week, donations are not always enough, so I sometimes buys bulk foods myself to distribute to clients.”
Aniya, “I understand that everything is more expensive but we can’t live without food. The need is there. Every Wednesday, I worry about not having enough for everyone.”
Karamihan sa mga pumipila ay mga kabataan, mga retirado at immigrants.
Reklamo ng 66-anyos na shopper na si Luis Lara, “Prices for everything have shot up. You can’t afford to buy as much as you used to from the supermarket anymore.”
Sinabi naman ng 20-anyos na si Sofiia Slobodianiuk, isang Ukrainian national na kamakailan ay dumating sa Canada at unang beses na pumila sa isang food bank, “Vegetables are really too expensive for me at grocery stores, so I come here.”
© Agence France-Presse