Mga dati nang nagkaroon ng COVID-19, kailangang maghintay ng ilang buwan bago makapagpabakuna
Kailangang maghintay muna ng tatlong buwan ang mga dati ng nagkaroon ng COVID-19 bago sila makapagpabakuna laban sa nasabing sakit.
Paliwanag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang isang taong nagkaroon ng Covid-19 at gumaling mula rito ay nagkakaroon ng antibodies.
Health Usec. Ma. Rosario Vergeire:
“Meron po tayong rekomendasyon na kung nagka-Covid-19 dati, kailangan 3 months from the time you had Covid-19 disease saka magpabakuna”.
Sinabi pa ni Vergeire, kahit dati ng nagkaroon ng COVID-19 walang kasiguruhan na hindi ka na muling dadapuan ng virus na ito.
“Kahit nagkaron na ng Covid 19 tayo ay kailangan pa din magpabakuna according to who the possibility of being infected is there”.
Paalala naman ng DOH sa mga mayroong allergy sa bakuna magpakonsulta muna sa doktor.
“One of the primary contraindication yung may severe allergic reaction sa bakuna so dun sa nagkaron na ng severe reaction kailangan munang bigyan ng assess ng doktor. Kung sa pagkain o gamot lang dapat may assessment ng doktor”.
Tiniyak naman ni Vergeire na kasama rin sa pinaghahandaan ng pamahalan ang magiging pagtugon sakaling magkaroon ng adverse effects ang COVID-19 vaccine sa ilang mababakunahan.
Madz Moratillo