Mga dating opisyal ng SRA, maaari pa ring papanagutin sa batas sa naunsyaming sugar importation
Hindi pa rin ligtas sa posibleng kasong kriminal at administratibo ang mga dating opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kahit pa naudlot ang planong pag-aangkat ng asukal na aabot sa 300,000 metric tons.
Partikular na tinukoy ni Senate President Juan Miguel Zubiri si dating SRA administrator Hermenigildo Serafica.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, nauna nang inamin ni Serafica na siya ang nagdraft ng Sugar Order no. 4 para sa importasyon ng asukal na hindi ikinonsulta sa SRA board.
Aniya, bakit ipinursige pa ang importasyon gayong naisyuhan na ang SRA ng TRO mula sa dalawang Korte sa Negros.
Lumitaw naman aniya sa pagdinig na mas pinaboran ni Serafica ang importasyon at may criminal intent nang itago nito ang SO no. 4.
Marami na aniya silang natanggap na reklamo laban dito mula sa mga stakeholder.
Meanne Corvera