Mga dayuhang fully vaccinated lamang na galing sa mga bansang kabilang sa EO No. 408, ang maaaring pumasok sa Pilipinas nang walang visa

Photo: immigration.gov.ph

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI), na tanging fully-vaccinated foreigners na mula sa alinmang mga bansa na nasa talaan ng kamakailan ay ipinalabas na executive order, ang papayagang pumasok sa bansa kahit walang visa.

Ayon sa kagawaran, ang mga dayuhang ito mula sa alinman sa 157 mga bansa na nasa listahan ng Executive Order No. 408, ay kailangang magpakita ng angkop na pruweba ng full vaccination na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), o sila ay pababalikin sa mga paliparan at ibo-book sa unang available flight pabalik sa kanilang pinanggalingan.

Required din silang magpakita ng RT-PCR test na negatibo ang resulta na kinuha ng hindi bababa sa 48 na oras bago ang kanilang departure sa bansang pinanggalingan, isang return ticket, isang passport na valid ng hindi bababa sa anim na buwan, at isang travel and health insurance para sa COVID-19 na may minimum coverage na US$35,000, at valid para sa buong panahon ng kanilang pamamalagi sa bansa.

Sa ilalim ng EO, ang mga dayuhan mula sa mga bansang gaya ng Malaysia, South Korea, Japan, Canada, at US, ay maaaring manatili sa Pilipinas kahit walang visa sa loob ng paunang 30-araw.

Samantala, ang mga dayuhang manggagaling sa mga bansang hindi kasama sa EO ay kailangang kumuha ng isang 9(a) visa at isang entry exemption document (EED), sa alinmang embahada ng Pilipinas o konsulada sa abroad.

Ayon kay Immigration bureau chief Jaime Morente . . . “They should also be fully vaccinated, or they will be denied entry even if they have valid 9(a) visas and EED.”

Please follow and like us: