Mga doktor nagbabala sa serious side effects ng paggamit ng iodine sa gitna ng mga pangamba sa nuclear war

Some packs of iodine pills are pictured in a classroom during a nuclear accident simulation on November 14, 2013, in Fessenheim.
AFP/Sebastien Bozon



Nagbabala sa publiko ang mga manggagamot sa Croatia, laban sa pag-inom ng iodine sa gitna ng biglang pagtaas ng demand sanhi ng mga pangamba na maaaring gumamit ang Russia ng nuclear weapons sa nagpapatuloy nitong pananakop sa Ukraine.

Nagpanic buying sa iodine ang mga residente sa magkabilang panig ng Croatia, mula nang ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang kanilang nuclear forces.

Ayon sa isang pahayag na inilabas ng Croatian Medical Chamber . . . “The (iodine tablets) can cause serious side effects, the pills can affect thyroid gland functions and cause allergic reactions.”

Nakasaad pa sa pahayag na batay sa World Health Organization (WHO) protocols, ang potassium iodide tablets ay rekomendado lamang sa ilang grupo – kabilang ang mga bata, mga buntis at mga taong wala pang 40 anyos – upang mapigilan ang pagkakaroon ng thyroid cancer pagkatapos ng isang nuclear attack.

Sa Balkans, ang pananakop ng Russia sa Ukraine ay bumuhay sa madidilim na ala-ala ng madugong paghiwalay ng Yugoslavia noong 1990s, na ikinasawi ng higit 100,000 katao sa panahon ng serye ng mga labanan.

Ang Moscow ang may pinakamalaking arsenal ng nuclear weapons sa buong mundo, at may pinakamaraming ballistic missiles na nagsisilbing “backbone” ng kanilang “deterrence forces.”

Please follow and like us: