Mga dumalo sa 2ND ASEAN Regional Correctional Conference, nagpahayag ng interes sa isinusulong ng BuCor na prisoner transfer

0
ARCC 2025

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., na nagpahayag ng interes ang halos lahat ng dumalo sa 2nd Asean Regional Correctional Conference (ARCC), sa isinusulong ng ahensiya na prisoners transfer.

Gayunman ayon kay Catapang, bagama’t sang-ayon ang mga lider ng ASEAN Correctional sa isinusulong na prisoners transfer, ay rerespetuhin pa rin nila ang ipinatutupad na batas ng bawat kasaping bansa sa ASEAN.

Binigyang-diin ni Catapang ang kaso ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, na nahatulan ng parusang bitay sa kasong may kaugnayan sa droga, ngunit matapos na maibaba ang hatol sa habangbuhay na pagkabilanggo ay nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at Indonesia, na bunuin na lamang ni Veloso ang hatol sa kaniya dito sa Pilipinas, at haharap din siyang state witness sa korte laban sa kaniyang illegal recruiter na nahuli na rin.

Paliwanag ng opisyal, ang prisoners transfer ay maaaring ipatupad kung hindi kamatayan ang naging hatol.

Nilinaw din nito na ang naturang kasunduan ay magiging isang tratado na daraan sa dalawang kapulungan ng kongreso, o sa kamara at senado, bago maging treaty deal ng ASEAN countries.

Ayon kay Catapang, isinusulong nila ito para sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers, na nahahatulan sa mga bansang kasapi ng ASEAN dahil sa iba’t ibang krimen.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *