Mga eksperto, nagbabala sa mga ipinapahid na insect repellant sa mga bata.

All year round na  ang sakit na Dengue kung kaya’t  lalong dapat na  maingat ang publiko lalo na ang mga magulang upang hindi dapuan ng dengue  ang kanilang mga anak.

Isa sa paraan  ay ang pagpapahid ng insect repellant.

Hindi naman kailangan na bumili ng mamahalin pang anti lamok repellant upang makaiwas sa dengue.

Sa panig ng mga herbalist at alternative doctor, makukuha ang panghadlang sa mga lamok na naghahatid ng dengue sa kusina o maging sa bakuran.

Kabilang dito ang Tanglad…pigain ito, dikdikin hanggang sa lumabas ang mga katas nito, ibabad sa tubig ng may walong oras hanggang sa humalo ang aroma nito sa tubig.

Ilagay sa isang bote pagkatapos na ito ay salain.  kumuha ng maliit na boteng pang-spray at maglagay dito ng mixture.

Maaari na itong gawing insect repellant.

Samantala, sinabi naman ni Dra. Arissa Gonzales, isang Pediatrician na dapat na maging maingat sa pagbili ng insect repellant lalong lalo na kung ito ay i aapply sa baby o sa mga bata.

Dra. Arissa Gonzales, Pediatrician:

So ang aking payo talaga sa mga magulang is to give insect repellant sa mga bata pero you have to be careful pala, hindi ko nabanggit kanina dapat ang hahanapin ninyong insect repellant ay dosatter d-e-t-3…ito very important dahil harmful kasi ang d.e.et component common na mga inaapply natin sa lotion noh ….so kailangan kung hahanap man siya ng i aaply sa bata, kailangan d.e.t-3″. –

Pagbibigay diin pa ni Dra. Gonzales,  pinakamahalagang dapat gawin ay panatilihing malinis ang kapaligiran, keep hydrated at kalinisan ng katawan o hygiene.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *