Mga eksperto sa baga, nanawagan sa publiko kaugnay ng abo na ibinubuga ng pagsabog ng Bulkang Mayon

 

Malaki ang panganib ang abo na ibinubuga ng Bulkang Mayon sa mga residente nito.

Ito ang binigyang-diin ng mga Pulmonologist o mga eksperto sa baga.

Ayon sa mga eksperto, magiging sanhi ng nasabing abo ang hirap sa paghinga, sipon, ubo at Laryngeal irritations.

Bukod dito, malaki din umano ang tsansa na maging sanhi ito ng skin at eye problem.

Dapat din na mag-ingat ang mga taong madaling magkaroon ng allergy.

Samantala,  dahil sa malamig pa rin ang panahon, pinayuhan ng mga health expert ang publiko na doblehin ang pag-iingat dahil malaki ang tsansa na dapuan ng Respiratory diseases lalu na at mahina ang Immune system.

Payo pa ng mga eksperto, dagdagan ang pag-inom ng tubig, kumain ng masustansyang pagkain, iwasan ang pagpupuyat at maglaan ng oras sa pag-e-ehersisyo.

 

Ulat ni Belle Surara

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *