Mga empleyado ng Manila City Government may dagdag sweldo
Makakatanggap ng umento sa sahod ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng kanyang ika-walumpung kaarawan.
Ayon kay Estrada, 300 million pesos ang inilaan ng Manila City government para sa salary increase ng nasa sampung libong regular at casual employees ng lungsod.
Sa Miyerkules matatanggap ng mga kawani ng city hall ang kanilang dagdag sweldo na depende sa buwanang sahod nila.
Epektibo aniya ang umento simula noong unang araw ng Enero ngayong taon at retroactive itong makukuha ng mga kawani.
Inihayag pa ni Estrada na ang matatanggap sa Miyerkules ng city hall employees ay unang bahagdan pa lamang at masusundan pa sa mga susunod na buwan.
Ulat ni: Moira Encina