17 mga Filipino, namamatay bawat oras dahil sa Paninigarilyo- ayon sa pag aaral
Gugunitain bukas, Mayo a 31 ang “World No Tobacco Day”.
Ayon sa World Health Organization o WHO, layunin ng nabanggit na pagdiriwang na hikayatin ang mga tao sa buong mundo na iwasan ang pagkunsumo ng kahit na anong uri ng sigarilyo.
Kaugnay nito, sa pag-aaral na ginawa ng Philippine College of Chest Physicians o PCCP, 17 katao sa Pilipinas ang namamatay bawat oras.
Ayon pa kay Dr. Lalaine L. Mortera, isang pulmonologist at coordinator ng World No Tobacco Day 2018 at member ng Council on Tobacco on Health ng PCCP, dalawa sa limang kabataan ang naninigarilyo, habang anim na taong gulang naman ang pinakabatang naitalang naninigarilyo.
Dr. Mortera:
“Pero, pag sinabi mo per hour, practically when your eating your hotdog, may 17 na namamatay and the impact is higher, but we have to consider na ang consequence kasi ng tobacco pangkalahatan, and pinaka common nga dyan, of course is our cancer and then ung mga cardiac events”. Samantala, layunin din ng WHO na ipatigil ang lahat ng uri ng advertising, promotion, at sponsorship ng naturang produkto sa hangaring wala na talagang masumpungang naninigarilyo”.
Ulat ni Belle Surara