Mga gitarang pag-aari ng music legends na sina Eric Clapton at Kurt Cobain, ipapa-auction
Ipapa-auction na sa susunod sa buwan sa Estados Unidos, ang mga gitarang ginamit ng music legends na sina Eric Clapton at Kurt Cobain, kung saan inaasahang mabibili ito ng dalawang milyong dolyar bawat isa.
Sa auction na inorganisa ng Julien’s Auctions sa Nashville, kabilang sa ipagbibili ang Gibson SG ni clapton na mas kilala sa tawag na “The Fool,” na sinimulang gamitin ng British rocker sa unang US tour ng kaniyang bandang Cream.
Dahil sa custom-painted psychedelic finish ng gitara kaya ito ay naging isa sa pinakakilalang gitara sa planeta, at isang pangunahing simbolo ng “Summer of Love,” ang 1967 counter-cultural moment na nagbigay ng kahulugan sa isang henerasyon.
Ang “The Fool” ay namalagi sa pag-iingat ni Clapton sa loob ng maraming taon, at naging susi sa pagbuo ng tinatawag na “woman tone,” isang malimit na ginagayang tunog na nagagawa niya sa gitara.
Eric Clapton began using ‘The Fool’ when his band Cream embarked on its first US tour (AFP)
Si Clapton, na kilala para sa “monster riffs” sa mga awiting gaya ng “Layla” at “Sunshine of Your Love,” ay malawak na nakikita bilang isa sa mga nangungunang gitarista ng huling kalahating siglo.
Kasama rin sa ipapa-auction ang left-handed Fender Mustang electric guitar na isang kulay asul na Skytang I, na ginamit ng Nirvana frontman na si Kurt Cobain sa final tour ng banda.
Ayon sa auction house, ang blue Skystang I ay isa sa ilang bilang ng mga modelong binili ni Cobain para sa tour, at instrumentong kaniyang pinatugtog sa huling performance ng banda sa Munich noong 1994.
Sinabi ni Martin Nolan, executive director ng Julien’s, na ang Skystang I ay isang mahalagang bahagi ng pop culture history.
Kurt Cobain played the Skystang I guitar at Nirvana’s last ever performance in Munich (AFP)
Aniya, “We all know that Kurt Cobain loved to break guitars and smash guitars, but the Fender Mustang was… his favorite guitar. For the last song of his performances, he takes up a cheaper version of the guitar, and that’s the guitar that he would smash, but not this baby.”
Ang auction ay gaganapin sa Hard Rock Cafe sa Nashville mula November 16 hanggang 18.
Bahagi ng mapagbebentahan sa dalawang gitara ay mapupunta sa mental health charity na Kicking the Stigma.