Mga gobyerno, hinimok ang kanilang mga mamamayan na lisanin na ang Ukraine
Sa pangambang sakupin ng Russia ang Ukraine, maraming gobyerno ang hinihimok na ang kanilang mga mamamayan na lumisan na.
Kabilang sa mga bansang nanawagan sa kanilang mga mamamayan na umalis na sa Ukraine ay ang United States, Germany, Italy, Britain, Ireland, Belgium, Luxembourg, the Netherlands, Canada, Norway, Estonia, Lithuania, Bulgaria, Slovenia, Australia, Japan, Israel, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Nag-abiso ang France na huwag bumiyahe sa border areas ng northern at eastern Ukraine, pero hindi pa ito nag-abiso sa kanilang mga mamamyan na lisanin na ang bansa.
Mahigpit namang inirekomenda ng Romania, na may border sa Ukraine, sa kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa nabanggit na bansa at kung sakali namang naroon, na ay ire-evaluate ang pangangailangan ng kanilang pananatili doon.
Inalis na rin ng Romania ang hindi mahahalagang tauhan mula sa embahada nito sa Kyiv, at inilikas ng Israel ang mga pamilya ng mga diplomat at kawani ng embahada. Maging ang Moscow ay nag-recall na rin ng ilan sa kanilang diplomatic staff.
Ipinag-utos ng Estados Unidos sa karamihan sa kanilang diplomatic staff sa Kyviv na umalis na, sa pagsasabing maaaring magsimula anomang araw mula ngayon ang opensiba ng Russia. Mananatili naman ang consular presence nila sa western city ng Lviv.
Pansamantala namang isinara ng Canada ang kanilang embahada sa Kyiv temporarily, at inilipat ang kanilang diplomatic operations sa Lviv, gaya ng ginawa ng Australia.
Inirekomenda na rin ng European Union sa kanilang non-essential diplomatic personnel sa Kyiv na umalis na at mag-telecommute na lamang mula sa abroad.
Noong Sabado ay inanunsiyo ng Dutch airline na KLM, ang suspensiyon ng kanilang flights sa Ukraine, “until further notice.”
Subali’t sinabi ng Ukrainian infrastructure ministry nitong Linggo, na iiwan nilang bukas ang kanilang airspace sa kabila ng posibilidad ng pananakop ng Russia.