Mga Government agencies, pagpapaliwanagin ng Senado dahil sa hindi pa nagagamit na pondo para sa Covid-19 Pandemic
Pagpapaliwanagin ni Senador Panfilo Lacson ang mga ahensya ng gobyerno sa pang-iipit sa pondo para sa pagtugon sa Covid-19 Pandemic.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, nasilip ni Lacson na may natitira pang mahigit 30 billion pesos na pondo para sa labanan ang Covid Pandemic ang hindi pa nagagamit.
Batay aniya sa report ng Department of Budget and Management (DBM), naglabas ito ng 389 billion pero 359 billion pa lamang dito ang nagagamit.
Ang natitirang pondo ay nakapending umano ngayon sa Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Overseas Workers Welfare Administration at Office of Civil Defense.
Kinakalampag ng Senador ang naturang mga departamento dahil marami aniyang nangangailangan ng tulong kaya hindi tamang itago ang natitirang pondo.
Meanne Corvera