Mga Government workers makakatanggap na ng mataas na take home pay simula ngayong Enero
Mas malaking take home pay na ang makukuha ng mga empleyado ng gobyerno matapos lagdaan ng Pangulo ang Salary Standardization Law 5.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance at nagdepensa sa SSL Law, partikular na pakikinabangan ito ng mga empleyado na nasa Salary grade 11 hanggang 13.
Simula ngayong ng Enero tataas ng 24.1 percent ang buwanang suweldo ng mga public servants na madadagdagan pa hanggang 30.7 percent pagsapit ng 2023.
Nangangahulugan ito na ang mga nasa Salary grade 11 na tumatanggap ng buwanang suweldo na 20,754 ay magiging 22,316 kada buwan na tataas pa sa 27,000 pagsapit ng 2023.
Sinabi ni Angara na sa 2020 General Appropriations Act, aabot sa 33.16 billion ang inilaang pondo para sa unang tranche ng salary increase.
Ulat ni Meanne Corvera