Mga gun store sa bansa pinagbawalan na ni Pangulong Duterte na magbenta ng mga high powered firearms

Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga gun store sa bansa na magbenta ng mga high powered fire arms.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos makarating sa kanyang kaalaman na ilan sa mga matataas na kalibre ng baril na ginagamit ng mga kalaban ng estado ay binibili sa mga gun store sa bansa.

Ayon sa Pangulo mahaharap sa kaparusahan ang mga gun store na mapapatunayang magbebenta ng high powered firearms.

Inihayag ng Pangulo na intasan din niya ang liderato ng militar at pulisya na higpitan din ang pag-transport ng mga bala mula sa government arsenal upang hindi ito mapunta sa kamay ng mga kalaban ng pamahalaan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *