Mga high-tech digital forensic equipment, binili ng NBI para sa cybercrimes investigations
Daan-daang milyong pisong halaga ng mga high-tech equipment ang binili ng NBI para mapalakas ang kapasidad nito sa pagtugon sa dumaraming bilang ng mga kaso at reklamo ng cybercrimes.
Ayon sa NBI, nai-turnover na sa NBI-Cybercrime Division ang mga digital forensic equipment.
Hindi naman tinukoy ng NBI ang eksaktong halaga ng mga kagamitan.
Kumpiyansa ang liderato ng kawanihan na makatutulong ang mga high-end equipment sa imbestigasyon at technical assistance ng mga tauhan nito sa mga mga cybercrimes cases.
Gayundin, sa pagpreserba at eksaminasyon sa mga digital evidence.
Kaugnay nito, nagdagdag ang NBI ng mga tauhan sa Cybercrime Division.
Kabuuang 200 cybercrime agents ang itinalaga sa regional at district offices habang 10 tauhan naman sa Cybercrime Division sa Maynila na hahawak sa mga kaso ng cybercrimes.
Moira Encina