Mga hindi bumalik para sa 2nd dose ng anti COVID-19 vaccine , pinakiusapan ni Pangulong Duterte na kumpletuhin ang bakuna
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpabakuna ng first dose na bumalik para sa second dose ng anti COVID 19 vaccine.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa kanyang regular weekly Talk to the People upang himukin ang mga nagpabakuna ng first dose ng anti COVID 19 vaccine na kumpletuhin ang kanilang dose.
Ayon sa Pangulo hindi kumpleto ang proteksiyon laban sa COVID 19 kung isang dose lamang dahil ang mga bakunang ginagamit sa bansa tulad ng Sinovac, AstraZenceca, Gamaleya, Sputnik V at Pfizer ay nangangailangan ng dalawang dose para magkaroon ng full protection laban sa corona virus.
Sinabi ng Pangulo na nahihirapan siyang kumbinsihin ang mga matitigas ang ulo na pinoy na isang dose lamang at hindi bumalik para sa second dose ng anti COVID 19 vaccine.
Dahil dito pinakiusapan ng Pangulo ang mga local government officials na tumulong para maobliga ang mga nagpabakuna ng first dose na bumalik para sa kanilang second dose upang ganap na protektado sa COVID 19.
Vic Somintac