Mga ibang brand ng bakuna kontra COVID, ikukunsidera ng Korte Suprema dahil sa kakulangan ng suplay ng AstraZeneca
Umaasa ang Korte Suprema na makabibili na ito sa lalong madaling panahon ng mga bakuna laban sa COVID-19 para sa mga nasa Hudikatura.
Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na ang initial request ng Korte Suprema sa gobyerno ay para sa pagbili ng anti- COVID vaccines ng AstraZeneca.
Pero batay anya sa abiso sa SC ng tanggapan ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez,ahistrado, hukom, ay unavailable o wala pang suplay ng bakuna ng AstraZeneca.
Dahil dito, inihayag ni Hosaka na ikukonsidera ng Korte Suprema ang iba pang mga opsyon o brand na ibabakuna sa mga tauhan at opisyal ng mga hukuman sa bansa.
Ayon kay Hosaka, mahalaga ang papel ng mga Korte sa bansa sa panahon ng krisis kaya kailangan nila agad na makabili ng COVID vaccines.
Anya mayroong direktang contact ang mga hukom at iba pang court personnel sa publiko araw-araw kaya nais ni Chief Justice Diosdado Peralta na maproteksyunan ang mga ito laban sa virus.
Una nang naglaan ang Supreme Court ng 19 milyong piso sa pagbili ng bakuna para sa mga nasa mahigit 30,000 mahistrado, hukom, opisyal, at kawani ng buong Hudikatura.
Atty. Brian Keith Hosaka:
“The initial request for the Judiciary was for the Astra Zeneca brand, but upon advice of its unavailability by the office of Sec. Galvez, the Judiciary will have to consider other options. We will inform you of further developments on this matter. Hopefully, the Judiciary will be able to procure vaccines at the soonest possible time considering the crucial role which the courts play in times of crisis. Our judges and court personnel have direct contact with the public on a daily basis and Chief Justice Peralta would want them fully protected from the NCov Virus.”
Moira Encina