Mga isyung hindi pinagkakasunduan nina Pang. Duterte at VP Robredo maaaring pag-usapan sa nakatakdang dinner date ayon sa Malakanyang
Posibleng pag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa inaayos na dinner date ang mga isyung hindi pinagkakasunduan ng dalawang mataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella maaaring pag-usapan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ang isyu sa sinasabing extra judicial killings sa bansa.
Ayon pa kay Abella isang magandang pagkakataon na makapag-usap ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.
Magugunitang mismong si Pangulong Duterte ang nag-imbita ng isang dinner date kay Vice President Leni Robredo noong graduation sa Philippine National Police Academy sa Silang Cavite bagay na tinanggap ng Pangalawang Pangulo.
Ulat ni: Vic Somintac