Mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa senado, tiniyak na mabibigyan ng committee chairmanship
Tiniyak ng liderato ng senado na magkakaroon ng committee chairmanship ang lahat ng senador kahit pa ang mga miyembro ng oposisyon. Pero inamin ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na naunang binigyan ng chairmanship ang mga senador na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang na rito sina dating PNP Chief Ronald Bato dela Rosa na nais hawakan ang committee on public order and dangerous drugs na kasalukuyang hawak ni Senador Ping Lacson. Si Bong Go naman ang hahawak sa committee on health na hawak ngayon ni Senador JV Ejercito. Pero wala pang napagdedesisyunan kung sino ang mamumuno sa committee on constitutional amendments na kasalukuyang hawak ni Senator Francis Pangilinan. Ang naturang komite ang humahawak sa mga panukalang batas na nagsusulong ng pagbabago sa kasalukuyang sistema ng gobyerno patungong federalismo. Ulat ni Meanne Corvera |
Please follow and like us: