Mga kaalyadong Senador ng Pangulo, hindi pabor na maipagpalibang muli ang Brgy at SK elections
Hindi pabor ang mga kaalyado ng Pangulo sa Senado na maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ilang beses nang naipagpaliban ang Brgy at SK elections at napapanahon nang ipaubaya sa taumbayan ang pagpili ng mga bagong baranggay official.
Iginiit naman ni Senador Joel Villanueva na pumayag silang ipagpaliban noong nakaraang taon ang halalan sa kondisyong matutuloy na ito ngayong Oktubre kasabay ng reporma sa SK.
Pagtiyak naman ni Senate President Aqulino Pimentel, kung magdedesisyon silang ipagpaliban ang eleksyon, kailangang bumalangkas muna ng batas para matiyak na hindi ito maidedeklarang iligal ng Korte Suprema.
Ulat ni: Mean Corvera