Mga kabataang sasapit sa 15-anyos bago o sa mismong Dec. 5, 2022, maaari nang magparehistro bilang SK voters

Kwalipikadong magparehistro bilang botante para sa Sangguniang Kabataan elections ang mga kabataan na sasapit pa lamang sa 15 anyos hanggang sa Disyembre 5, 2022.

Ito ang advisory ng Commission on Elections sa kanilang official facebook page.

Batay sa Comelec Resolution No. 10798, ang mga aplikante bilang SK voters ay kinakailangang Filipino citizen at hindi bababa sa 15-anyos at hindi rin hihigit sa 30 taong gulang sa araw ng eleksyon.

Kinakailangan din na naninirahan na sa Pilipinas na nakalipas na 6 na buwan bago ang araw mismo ng halalan sa Disyembre 5, 2022.

Please follow and like us: