Mga kagubatan ng Argentina, nasunog dahil sa heat wave at tagtuyot
Nasa 6,000 ektarya ng kagubatan sa northern Corrientes province sa Argentina ang nasunog sa loob lang ng ilang araw, sanhi ng heat wave at tagtuyot na nararanasan ng bansa.
Tatlong sunog pa ang patuloy na nagiging banta, habang dalawang ibang sunog ang nakontrol na ayon sa emergency command center ng Corrientes.
Wala namang napaulat na nasaktan, hindi rin umabot ang sunog sa mga lugar na maraming tao at inaasahang uulan ngayong araw.
Sinabi ng INTA agricultural technology institute, na simula nang mag-umpisa ang taon, at ang Argentina ay nahaharap sa magkakasunod na heat wave, ay higit 100,000 ektarya na ang nilamon ng apoy sa Corrientes.
Noong isang buwan, ang Argentina ay nagpalabas ng health warnings sa ilang lalawigan na nasa ilalim ng pinakamalalang heat waves sa nakalipas na mga dekada, na ang temperatura ay umabot sa halos 40 Celsius (104 Fahrenheit).
Ang nakalipas na tatlong buwan o mula Nobyembre ng nakalipas na taon hanggang sa pagtatapos ng Enero ngayong taon, ang pinakamainit na naranasan ng bansa simula noong 1961 ayon sa weather service.
Sinabi ng meteorologist na si Enzo Campetella, “While occasional heat waves are normal, climate change has made them “more persistent and more intense,” even in Argentina’s mountainous Patagonia region.”
Noong 2022, ang forest fires sa Corrientes ay tumupok sa mahigit isang milyong ektarya batay sa official figures.
Ang La Nina cycle ng El Nino weather phenomenon ay nagdulot ng mataas na temperatura noong nakaraang taon, na humantong sa mga pagkalugi sa pananim na tinatayang nasa bilyun-bilyong dolyar.
© Agence France-Presse