Mga kalsada sa ilang bahagi ng Metro Manila isasara sa Marso 11 dahil sa reblockings at repairs: MMDA
Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang reblocking at repairs sa kahabaan ng ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Dahil dito, sinabi ng MMDA na ang mga sumusunod na kalsada ay sarado hanggang ala-5:00 ng umaga, Lunes, Marso 11:
- Pedro Gil Street corner Taft Ave. (2nd lane), Manila City
- EDSA SB J.P. Rizal Avenue to Orense (3rd lane from sidewalk), Makati City
- EDSA NB between Don Vicente Ang Street to General Mascardo Street (5th lane from sidewalk), Caloocan City
- Along Main Avenue EB beside Shell Gasoline Station (1st lane), Quezon City
- Along Main Avenue EB across SM Supermarket (1st lane), Quezon City
- Along Main Avenue EB across Briella Salon (1st lane), Quezon City
- Along Main Avenue EB near Minabel Building (1st lane), Quezon City
Ayon sa MMDA, maaari nang maraanan ang nabanggit na mga kalsada simula ala-5:00 ng umaga sa Lunes.
Pinapayuhan din ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.
Please follow and like us: