Mga kanta aalisin ng Universal Music sa TikTok matapos masira ang mga negosasyon
Nagbabala ang Universal Music Corp na aalisin nila ang kanilang mga kanta sa TikTok, makaraang masira ang negosasyon kaugnay ng mga isyu kabilang ang kompensasyon sa mga artist at songwriters.
Sa isang open letter, inakusahan ng Universal ang TikTok, na “sinusubukan nitong bumuo ng negosyong nakabatay sa musika, nang hindi magbabayad ng patas na halaga para sa musika.”
Kapwa tinalakay ng magkabilang panig ang mga tuntunin ng isang bagong kasunduan, habang ang umiiral nilang kontrata ay nakatakda nang mag-expire sa Miyerkoles.
Ngunit ang kasunduan ay hindi na nagkaroon ng renewal.
Kabilang sa mga isyung binanggit sa pag-uusap ay ang “appropriate compensation” para sa artists at songwriters, online safety para sa users, maging ang proteksiyon ng mga artist mula sa panganib ng artificial intelligence (AI).
Ngunit habang nagpapatuloy ang negosasyon, sinabi ng Universal, “TikTok attempted to bully us into accepting a deal worth less than the previous deal, far less than fair market value and not reflective of their exponential growth.”
Ang mga pangunahing music company ay nakakukuha ng royalty payments mula sa streaming at social media platforms.
Subalit sinabi ng Universal, “TikTok proposed paying ‘a rate that is a fraction’ of the rate that similarly situated major social platforms pay.”
Pahayag naman ng TikTok, “It is ‘sad and disappointing’ that Universal Music Group has put their own greed above the interests of their artists.”
Sa pagtawag sa characterisations ng Universal na “false” ay sinabi ng social media giant, “Universal chose to walk away from the powerful support of a platform with well over a billion users that serves as a free promotional and discovery vehicle for their talent.”
Ayon naman sa Universal, sa kabila ng malaking user base ng TikTok, kumakatawan lamang ito sa halos isang porsiyento ng kabuuang kita nila.
Binanggit ng Universal ang iba pang mga problema tulad ng malaking halaga ng mga recording na binuo ng AI sa platform, kasama ang tinatawag nitong kakulangan ng pagsisikap na harapin ang mga paglabag sa musika ng mga artist.
Kabilang sa mga artist sa Universal label sina Taylor Swift at ang The Weeknd.
Ang TikTok na pagmamay-ari ng Chinese company na ByteDance, ay isa sa pinakasikat na social media platform sa buong mundo, na mayroong higit sa isang bilyong user.