Mga kliyente ng Land Bank makakaranas ng service disruptions dahil sa isinasagawang system upgrade
Makakaranas ng service disruptions ang mga customer ng Land Bank of the Philippines kung gagamit sila ng debit card, ATM, cash deposit machine, at e-banking.
Batay sa Facebook post ng Land Bank, ang nasabing service disruptions ay dahil sa system upgrade na kanilang isinasagawa kaugnay ng mandato ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kailangang maging chip-based na ang mga debit at credit card ng mga cardholder ng lahat ng bangko sa bansa.
Pero tiniyak ng Land Bank na secured at intact ang laman ng bank accounts ng kanilang mga customer.
Binigyan ng BSP ang mga bangko ng hanggang June 30, 2018 para gawing chip-based ang kanilang mga debit at credit card.
Ayon sa BSP, mas mapapanatili ang kaligtasan ng mga bank account kung chip ang gagamitin sa mga card, kaysa magnetic stripe.
Una rito, nagkaroon na rin ng service interruptions ang ilang mga bangko sa bansa tulad ng BPI, BDO at Security Bank.