Mga konkretong aksyon ng Pilipinas para sa economic empowerment ng kababaihan, inilatag ni PBBM sa 2nd ASEAN Women Leaders’ Summit
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga inisyatiba at hakbangin ng Pilipinas para sa economic empowerment ng mga kababaihan sa 2nd ASEAN Women Leaders’ Summit.
Ang summit na may temang Building a More Sustainable, Inclusive and Resilient Future: Unlocking Women’s Entrepreneurship in ASEAN ay pinangunahan ng Cambodia sa pamamagitan ng videoconference.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatuon ang Pilipinas sa mga konkretong aksyon para sa women’s economic empowerment.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagtiyak sa equal access sa edukasyon, training employment and opportunities; pagsulong ng e-commerce at digitalization; pagkakaroon ng safe spaces sa lugar ng trabaho; at pagbuo ng polisiya na sumusuporta sa work-life balance at co-responsibility para sa unpaid care at domestic work.
Kasama rin ni Pangulong Marcos na nagsalita sa summit si Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na isang women’s right advocate.
Binigyang diin ng kalihim ang pangangailangan para isulong ang mga oportunidad sa pagsustain, paglago at pagprotekta sa women’s entrepreneurship sa ASEAN region,
Inihayag din ni Yulo- Loyzaga na sa kabila ng mga hamon dala ng pandemya ay napanatili ng Pilipinas ang posisyon nito bilang global leader sa women advancement batay sa bilang ng mga Pinay business leaders at professionals.
Moira Encina