Mga kontra sa negosasyon sa pagsasauli ng Marcos wealth binuweltahan ng Malakanyang
Hindi naintindihan ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang o CARMMA ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu ng pagbawi sa Marcos Wealth.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mali ang intindi ng grupong CARMMA sa pagsasapubliko ng Pangulo sa alok ng mga Marcos na handa nilang ibalik sa gobyerno ang ilang sinasabing umano’y nakaw na yaman.
Ayon kay Abella kaya ito binanggit ng Pangulo sa publiko para maging transparent ang ginagawang negosasyon sa pagbawi sa Marcos Wealth.
Inihayag ni Abella na walang tanging ninanais ang Pangulo kundi pakinabangan ng publiko ang makukuhang Marcos Wealth.
Magugunitang inihayag ng Pangulo na pumayag na ang mga Marcos na ibalik sa gobyerno ang ilang kinukuwestiyong yaman.
Ulat ni: Vic Somintac