Mga Korean drama, nais ipa ban ng isang Senador sa Pilipinas
Out of frustration lang daw kaya nasabi ni Senador Jinggoy Estrada na i-ban ang mga koreanovela sa Pilipinas.
Ayon sa mambabatas nasabi niya ito dahil sa deterioration ng mga pelikulang Pilipino.
Dahil patuloy aniya ang pagpapalabas ng mga korean telenovela, mga koreano na ang hinahangaan ng ating mga kababayan.
Nagresulta lamang ito nang paghina ng mga pelikulang Pilipino kaya marami rin sa mga nasa film industry ang nawalan ng trabaho.
Kahanga-hanga aniya ang tagumpay ng entertainment ng South Korea at maraming mga dapat matutunan ang mga pinoy, pero hindi aniya dapat kalimutan at balewalain ang pinaghirapan at talento rin ng mga kapwa natin Pilipino.
Apila niya sa mga kababayan, ipakita rin ang katulad na suporta sa mga pelikulang Pilipino at huwag balewalain ang gawa ng filipino artists .
Iminungkahi naman ni Senador Robin Padilla na taasan na lang ang buwis ng foreign series na pumapasok sa bansa at ang makokolektang buwis ay ibigay na subsidy para palakasin ang local industry.
Meanne Corvera