Mga kwalipikadong Pinoy, visa free na para makabiyahe sa Canada
Visa free na ang biyahe ng mga kwalipikadong Filipino sa Canada.
Ito ay makaraang isama na ng Canada ang Pilpinas sa Electronic Travel Authorization (ETA) Program nito.
Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang anunsiyo ng Canadian government na mapabilang ang bansa sa ETA.
Ayon sa DFA, ang mga Pinoy na puwedeng makabiyahe sa Canada para sa business o leisure sa pamamagitan ng ETA ay ang mga may Canadian visitor visa sa nakalipas na 10 taon o kaya ang may balidong US non-immigrant visa.
Tiwala ang DFA na ang bagong polisiya ay magpapalakas sa turismo at negosyo.
Sinabi pa ng DFA na isang mahalagang milestone ito at indikasyon ng lumalagong pagkakaibigan at tiwala ng Canada sa Pilipinas.
Moira Encina