Mga landslide naitala sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa bagyong Agaton

Nakaranas ng landslides sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.

Ayon sa PDRRMO Catanduanes dahil sa nararanasang patuloy na pagbuhos ng ulan kaya may mga pagguho ng lupa ang naitala sa naturang probinsiya.

Ang landslides ay naganap sa mga barangay ng Paniquihan at Benticayan sa bayan ng Baras.

Mayroon ding naitala sa mga bayan ng Viga at bayan ng Gigmoto na hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga kinauukulan kung may mga naapektuhan o casualties sa pangyayari.

Kaugnay nito ay umapela ang PDRRMO Catanduanes na kung mayroong mga biktima o kung may mga untoward incident ng pananalasa ng bagyong Agaton ay maaari nilang tawagan hotline numbers ng kanilang tanggapan.

PDRRMO / CATANDUANES RESCUE EMERGENCY HOTLINE:
smart/tnt: 09126707777
globe/tm: 09151496819

Ulat ni Orlando Encinares

ctto: PDRRMO Catanduanes

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *