Mga LGU, inoobliga na magkaroon ng special cold storage para sa mga bakuna
Inatasan ng National Task Force against COVID 19 (NTF) ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng special cold storage sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na mahalaga ang pagkakaroon ng special cold storage facilitiy sa bawat LGU upang hindi masayang ang mga anti-COVID 19 vaccine.
Ayon kay Galvez, inaasahan na sa mga susunod na buwan ay paparating na ang mga anti-COVID 19 vaccine na Pfizer, Moderna at Sputnik V.
Inihayag ni Galvez ang Pfizer ay nangangailangan ng cold storage na nasa pagitan ng negative 60 hanggang negative 80 degrees centigrade na temperatura samantalang ang Moderna at Sputnik V ay negative 20 degrees centigrade ang kailangan.
Niliwanag ni Galvez, tinatayang nasa 40 milyong doses ng Pfizer, 20 milyong doses ng Moderna at 10 milyyong doses ng Sputnik V ang darating sa bansa sa third quarter ng taon.
Iginiit ni Galvez kailangang maimbak sa tamang temperatura ang mga maselang bakuna para hindi ito masayang at magamit sa mass vaccination program ng pamahalaan.
Vic Somintac