Mga lider ng Council of Europe, nagkaisa laban sa Russia
Picture taken on May 15, 2023 shows a ship of the Icelandic Coast Guard patrols off the coast next to the Harpa Concert hall in Reykjavik, Iceland, the venue of the 4th Summit of the Heads of State and Government of the Council of Europe, on the eve of the two-day summit. (Photo by John MACDOUGALL / AFP)
Isang taon matapos patalsikin ang Russia sa Council of Europe (CoE), ang mga pinuno ng 46-nation pan-continental rights body ay nagtipon nitong Martes sa Iceland upang ipakita ang pagkakaisa laban sa Moscow.
Ang pagpapatibay ng mga paraan para legal na papanagutin ang Russia sa pagkamatay at pagkawasak na ginawa nito sa Ukraine, ang mangingibabaw sa summit sa Reykjavik, ang ikaapat pa lamang na gaganapin sa pitong dekada ng kasaysayan ng CoE.
Hanggang nitong huling mga oras ng Lunes, ay wala pang opisyal na pasabi kung dadalo si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa summit, ngunit nagsagawa na siya ng tour sa mga pangunahing European capital, kung saan inaanunsiyo lamang ito bago ang mismong pagdating niya.
Ang Berlin, Paris at London ay pawang nangako na palalakasin ang pagpapadala ng mga armas sa Kyiv, na magpapalalim sa isang kasunduan sa pagitan ng Kanluran at Ukraine na tumulong sa pagdepensa laban sa Russia.
Ang Ukraine ay inaasahang magsasagawa ng isang opensiba laban sa Russian forces sa silangan ng kanilang teritoryo sa darating na mga linggo.
Itinuon ng CoE ang misyon nito sa pagtataguyod ng mga karapatang pantao, demokrasya, at panuntunan ng batas sa mga miyembrong estado nito, na kinabibilangan ng lahat ng 27 mga bansang kasapi ng European Union (EU) kasama ang Britain, Turkey, mga bansa sa Western Balkan, Georgia at Armenia.
Ang Russia ay pinatalsik sa CoE noong Marso 2022, dahil sa pananakop sa Ukraine, bago pa mangyari ang plano nitong pag-alis sa Strasbourg-based body.
Sinabi ni European Commission chief Ursula von der Leyen, na dumadalo sa summit, “EU will keep ‘supporting Ukraine for as long’ as it takes. In Reykjavik we will discuss ‘how to hold Russia accountable’ and ‘I will support the creation of a dedicated tribunal’ to bring Russia’s crime of aggression to trial.”
Aniya, “The summit will look to set up a register of damage in The Hague, where a special court could be set up as ‘a first step, and a good step,’ towards Russian compensation.”
Picture taken on May 15, 2023 shows the Harpa Concert hall in Reykjavik, Iceland, the venue of the 4th Summit of the Heads of State and Government of the Council of Europe, on the eve of the two-day summit. (Photo by John MACDOUGALL / AFP)
Ang komisyon at mga bansa sa EU ay pabor sa pagtatayo ng isang espesyal na tribunal, na malamang ay sa The Hague sa Netherlands na kinaroroonan na ng International Criminal Court, upang hatulan ang mga pinuno at kumander ng Russia.
Gayunman, ang inaasam na ito ay hindi na natuloy makaraan ang tila isang mahabang digmaan, kung saan ang Russia marahil ay naghahanda ng sarili nitong pag-atake pagdating ng tagsibol sa Ukrainian positions.
Ang dalawang araw na summit ng Council of Europe ay magiging isang pagkakataon para sa halos buong European family, na ipakita na ang Russia ay nakahiwalay sa sarili nitong kontinente.
Sina Emmanuel Macron ng France, Rishi Sunak ng Britanya at Olaf Scholz ng Germany ay kabilang sa mga pinuno ng estado at gobyerno na nakatakdang dumalo.
Ang pagtitipon ng mga lider ay isa ring mahalagang sandali para sa mga pinuno ng European heavyweights na Germany, France, Italy at Britain na magpulong bago ang G7 summit na magsisimula sa Biyernes sa Japan.
Ang Estados Unidos, na pangunahing tagasuporta ng militar ng Ukraine, ay may observer status sa CoE at kakatawanin sa Reykjavik ng UN ambassador nito, na si Linda Thomas-Greenfield.