Mga lugar na naitalang may pagtaas ng kaso ng Covid-19, kontrolado na ng pamahalaan
Kontrolado parin ng pamahalaan ang mga naitatalang spike o biglang pagtaas ng COVID 19 cases sa ilang lugar sa bansa na una nang binuksan para sa turismo.
Ayon kay National Task Force o NTF Chief Implementer Carlito Galvez sa kasalukuyan nagkaroon ng pagtaas sa kaso ng COVID 19 sa Bohol matapos buksan ang tourism bubble.
Sinabi ni Galvez sa Davao City naman bagamat nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kaso agad itong naagapan matapos ibalik sa General Community Quaratine o GCQ ang lugnsod.
Inihayag ni Galvez ang naitalang bahagyang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID 19 sa Baguio City ay kontrolado narin matapos magpatupad ng paghihigpit si Mayor Benjamin Magalong sa pagpasok sa ciudad ng mga galing sa kalapit bayan.
Niliwanag ni Secretary Galvez sa kabuuan ay nama-manage naman ng pamahalaan ang mga naitatang spike ng COVID 19 cases sa bansa.