Mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown nabawasan pa
Nabawasan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.
Batay sa datos ng Phil. National Police (PNP), 884 na lamang ito mula sa dating 1,036.
Ayon sa PNP, ang pagbaba ay bunga na rin ng bumababang kaso ng Covid-19.
Sa tala ng PNP, hanggang kahapon, Enero 31, 406 sa mga lugar na nasa granular lockdown ay nasa Cordillera, 292 sa Ilocos, 152 sa Cagayan, 14 sa NCR, 12 sa Zamboanga at walo sa Mimaropa, habang nasa 2,359 katao naman ang apektado ng mga restriksiyon.
Kaugnay nito ay 226 personnel at 874 force multipliers ang idineploy ng PNP, upang tiyakin ang seguridad ng publiko at maipatupad ang minimum health standards sa mga lugar na naka-lockdown.