Mga lugar na tinamaan ng Bagyong Auring , binisita ni Pangulong Duterte
Personal na pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na pininsala ng bagyong Auring sa CARAGA region.
Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na binigyan si Pangulong Duterte ng breifing sa pinsalang idinulot ng bagyong Auring mula sa National Disaster Risk Reduction Managemment Council o NDRRMC.
Ayon kay Nograles bago pa man manalasa ang Bagyong Auring ay ipinag-utos na ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang paghahanda.
Inihayag ni Nograles na naka-preposition sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Auring ang mga tauhan at kagamitan ng NDRRMC para sa search and rescue operations ganun din ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at Department of Health o DOH para sa kaukulang medical at relief operations.
Ipinag-utos ng Pangulo ang agarang rehabilitasyon ng mga lugar na pininsala ng bagyong Auring para agad na makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga residenteng dinaanan ng kalamidad.
Vic Somintac