Mga lumabag sa Gun ban at pagdadala ng patalim sa Maynila, umabot sa 87
Umaabot na sa walumput pito ang naaresto ng Manila Police District o MPD dahil sa paglabag sa gun ban at pagbabawal sa pagdadala ng patalim sa panahon ng eleksyon.
Limamput-lima ay nakumpiskahan ng baril, habang tatlumput walo naman ang nahulihan ng patalim o deadly weapon.
Ang mga naaresto ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code o Batas Pambansa Bilang 881.
Bagamat tapos ang eleksyon tatagal pa ang gun ban hanggang May 21, 2018.
Sa panahon ng election gun ban, suspendido ang permit to carry firearms outside of residence, maliban na lamang kung otorisado ng Comelec.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: